KARUNUNGAN NG DIYOS
NI
MELECIO T. SABINO
Ang aklat na ito ay naglalaman ng kasaysayan ng mundo bago pa ito nabuo, na sinasabi na hindi naiyahayag sa biblia. Dito rin makikita ang mga PANGALAN NG DEUS sa ibat-ibang kalagayan.Naglalaman din ito ng mga orascion sa panggagamutan sa espiritual at natural na sakit na ginagamit ng ating mga kababayan sa kasalukuyang panahon.Ayon sa salit-saling sabi ang author ng aklat na ito na si melencio sabino kung di ako nagkakamali ay founder ng samahang AGNUS DEI na ang ibig sabihin ay KORDERO NG DEUS . Ang sabi ng iba na mahilig din sa karunungang lihim ng kapanahunan ni SABINO siya ay lumalakad sa tubig. Ayon sa pagka-alam ko isa si DEMETRIO O. SIBAL na kaanib dito na siyang author naman ng aklat na AKLAT SECRETO NG KABALISTICO, AKLAT SECRETO NG SANCTI KARMA, 27 KAPANGYARIHAN NG VERDACABALA, 28 KAPANGYARIHAN NG MYSTISISMO, MAHIWAGANG AKLAT OCCULTISMO, LIHIM NA PANGALAN LIHIM NA KARUNUNGAN at marami pang iba.Pasintabi sa mga member ni sabino kung meron pa, ito lang kasi ang nalaman ko ayon sa salit-saling sabi ng mga ALBULARYO at mahilig sa karunungan.
HANGO SA AKLAT NG KARUNUNGAN NG DIYOS NI MELENCIO SABINO
Narito pa ang mga ibang oracion na magagamit sa ibat ibang uri ng sakit at karamdaman,
na sinipi sa ibat ibang kasaysayan at aklat,na kalakip ang mga paliwanag kung paano
ang paggamit at kung saan nauukol gamitin ang nasabing mga oracion.
CRISTAC ORTAC AMININATAC
Itoy sasabihin sa loob o sa sarili, saka ibulong sa malinis na tubig na inumin,
bago ipainom sa may sakit. Ang tubig na matabang kapag nagbago at nag iba ang lasa,
sa halimbaway masaklap,mapait,maalat o matamis kaya para sa may sakit,
samakatuwid ay may ispiritu na hindi mabuti at nakapipinsala o namiminsala.
At upang mapatunayan minsan pa,ay kailangan subukan muli na painumin ng tubig,
At ganito naman ang ibubulong:

HOCMITAC AMINATAC HIPTAC
KUNG ANG UNA AT IKALAWANG PAGSUBOK AY NAGKAISA,ay maaring subukin hanggang
maikatlo upang lalong makilala ang katotohanan. Sa ikatlong pagsubok ay
ganito naman ang ibubulong;
AMPIC MIBEL GAYIM JESUS EXEMENERAU
Ganyan ang dapat gawin pagsubok minsan,makalawa,hanggang maikatlo
at sa ganyang paraan ay hindi namaaring makaila kung tunay na mayroon
o walang karamdaman.
Kung gayon ay maaring sabihin sa masamang ispiritu na umalis at huwag
ng babalik.At sa pagpapaalis ay ganito naman ang sasabihin:
IKAW NA KARUMALDUMAL NA ISPIRITU,AY LUMABAS KA SA MAY SAKIT,
IWAN MO SYA AT UMALIS KA NA.
At saka sabihin sa sarili ang sumusunod bago hipan sa bumbunan ang may sakit,
SUBTIHOY MIDAD INSALIDAD QUILIMIDAD
Kung minsan ay pinasasakit ang ulo, sinisira ang bait, inaalis ang pandinig,
binubulag ang mga mata,
Pinasasakit ang lalamunan, pinalalaki ang dila’ pinapagsusugat ang buong katawan,
pinipilay at linulumpo upang huwag makalakad, pinapanghina ang katawan, inaalisan ng
gana sa pagkain, at kung minsan naman ay pinalalakas ang pagkain ng may-sakit.
Iba’t iba naman ang tawag o pangalan ng mga paraan ng pagbibigay ng sakit ng masasamang
espiritu sa tao. May tinatawag na BABA O SAKAY, KAPIT O SAPI, PALIPAD-HANGIN, PAKAIN at
iba-iba pa.
Ang tinatawag na BABA o SAKAY, ay nakababa sa batok o sa balikat ng may-sakit ang masamang
espiritu. Ang tinatawag na KAPIT o SAPI ay nakakapit o nakasapi ang masamang espiritu sa

katawan ng may sakit. Ang tinatawag na PALIPAD-HANGIN ay sumasama sa hangin, at tumatapat
sa may-sakit na hindi katulad ng BABA o SAKAY.
Kung minsan ay pinapapasok ang masamang hangin sa loob ng katawan, karaniwan ay sa tiyan,
ng may sakit.
Kung minsan ay napapakain o sumasama sa pagkain at iyan ang tinatawag na PAKAIN.
ng may sakit.
Kung minsan ay napapakain o sumasama sa pagkain at iyan ang tinatawag na PAKAIN.
Kung minsan ay ang hanging ipinakakain lamang ng masamang ispritu ang laman ng tiyan.
Iyan ay mapapalabas agad sa pamamagitan ng pagpapasuka o pagpapadighay sa may sakit na paiinumin
ng tubig na binulungan ng mag sumusunod na oracion.
CRISTAC ORTAC AMINATAC HOCMITAC AMINATAC
DUYAAY MILUMIAT HOCBE VIROMIA UBARAM DACACNA
DUYAAY MILUMIAT HOCBE VIROMIA UBARAM DACACNA
Question have u try na ung mga ritwal???
ReplyDeleteLalo na parang pagkulam
??